Albay PPO, nagtalaga ng assistance desks sa lahat ng evacuation centers sa Albay

LEGAZPI CITY – Nagtalaga ng assistance desks sa lahat ng mga evacuation centers sa Albay ang Police Provincial Office (PPO), kaugnay pa rin sa pagpapakita ng abnormalidad ang Bulkang Mayon.

Ang mga assistance desks ay mayroong dalawa hanggang sa limang PNP personnels na tutugon sa seguridad at kaayusan sa 18 na mga evacuation centers sa lalawigan.

Ayon kay PPO Provincial Director PCol. Fernando Cunanan Jr., magsasagawa na rin ng monitoring ang mga tauhan ng pulisya sa lahat ng mga pumapasok at lumalabas sa mga evacuation centers.

Dahil sa pagmo-monitor ng PNP, nakakakuha ang nasabing opisina ng mas detalyadong mga impormasyon mula sa mga residenteng una nang inilikas.

Patuloy din ang deployment ng PNP sa kanilang mga tauhan at lalo na ng mga sasakyan na maaring magamit ng mga LGUs upang mas maging maayos ang pagpapalikas sa mga apektadong residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *