Albay Provincial Veterinary Office bumuo ng task force na magbabantay sa mga karneng hindi dumaan sa slaughter house

LEGAZPI CITY – Bumuo ng task force ang Albay Provincial Veterinary Office na magbabantay sa mga karneng hindi dumaan sa slaughter house.

Ayon kay Vet Office head, Dr. Pancho Mella, ang task force “Bantay Karne” ay maglilibot-libot sa mga merkado at malls upang suriin ang mga karne na kinakatay at ibinibenta.

Dagdag pa niya, mayroon ding itinalagang grupo ang mga lokal na pamahalaan na magiikot-ikot naman sa bawat barangay.

Kaugnay ito ng mga nauullat na mayroong mga karne na hindi dumadaan sa mga slaughter house.

Aniya, iba’t iba ang mga sakit na maaaring makuha kapag hindi ito nasuri nang maayos na maaaring makapagdulot ng kapahaman sa kalusugan ng publiko.

Sa ngayon, inabisuhan ng opisina ang mga nagkakatay ng baboy at binigyang-diin nito na dapat dumaan ang mga karne sa tamang proseso bago ibenta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *