Local News

Albay veterinary office, nagsagawa ng libreng kapon sa mga aso at pusa sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Isinagawa ng Albay Veterinary Office kahapon, Marso 21, ang libreng kapon sa mga aso at pusa sa Negosyo Auditorium, Albay Farmers Bounty Village, Cabangan, Camalig, Albay.

Ayon kay Dr. Pancho Mella, head ng nasabing opisina, ang pagkapon ng mga nasabing hayop ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month sa bansa.

Katuwang ng tanggapan sa pagsasagawa nito ay ang Philippine Veterinary Medical Association Bicol Chapter, Bicol Companion Animal Veterinary Practitioners’ Association, College of Veterinary Medicine, Central Bicol State University of Agriculture at Doctor of Veterinary Medicine Program ng Bicol University.

Layunin ng aktibidad na ito na mabawasan ang populasyon ng nasabing mga hayop sa lalawigan, at upang mabawasan din ang mga aksidenteng dala ng kumakalat o gumagalang mga aso’t pusa.

Dahil dito, hinikayat nila ang mga pet owners na huwag nang palampasin ang serbisyo at pagkakataong ibinibigay, kung kaya’t magparehistro na sa opisina para sa libreng kapon.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 hour ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 hour ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 hour ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 hour ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 hour ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 hours ago