Alcaraz, youngest player sa ATP top 5 matapos kay Nadal

Kinumpirma nang si Carlos Alcaraz ang pinakabatang player na papasok sa ATP top five, matapos kay Rafael Nadal.

Ito ay matapos makaabanse ang naturang teenager sa Hamburg final.

Ang 19-anyos na Spaniard ay ang pinakabatang nakaabot sa kanyang feat,  simula nang unang umakyat ang kanyang illustrious compatriot sa top five noong 2005.

Nabatid na bigo naman si Alcaraz na manalo sa clay-court title sa Germany, kay Italian youngster Lorenzo Musetti noong Linggo, sa kabila na nakaipon ito ng five match points.

Dahil dito, umakyat naman si Musetti sa 31st sa rankings at nakatakda ngayong para sa seeded sa US Open, na magsisimula sa August 29.

Samantala, nananatili namang world number one si Daniil Medvedev.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *