Local News

ALECO, may paalala tungkol sa District Elections 2023

LEGAZPI CITY – May paalala ang Albay Electric Cooperative (ALECO) tungkol sa darating na District Elections 2023 na gaganapin sa Mayo 20.

Sa impormasyon mula sa kooperatiba, ang mga paaaralang gagamitin ay ang mga: sa District 3, San Francisco National High School para sa Malilipot; Bacacay East Central School sa Bacacay; at Sto. Domingo Central School sa Sto. Domingo.

Sa District V naman, Bagumbayan Elementary School sa Albay District; at Manito Central School sa Manito.

Para sa District 7, Guinobatan East Central School sa Guinobatan; Jovellar Central School sa Jovellar; at Pio Duran East Central School sa Pio Duran.

Samantalang sa District 9, Polangui South Central School sa Polangui habang Libon East Central School naman sa Libon.

Ang mga kwalipikado umanong makakaboto ay ang mga naging miyembro-konsumidores ng ALECO hanggang Enero 20 ngayong taon.

Mahigpit na bilin ng kooperatiba, hindi pahihintulutan ang pagboto sa pamamagitan ng “proxy”.

Kinakailangang magdala ng anumang valid ID at iba pang mga dokumentong magpapatunay sa identidad.

Ang nasabing eleksyon, mag-uumpisa sa ganap na alas 8 ng umaga hangang alas 3 ng hapon.

Ang mga interesasong konsumidores na nais tumakbo ay maaaring kumuha ng sipi ng Eligibility and Documentary Requirements at COC sa Member Services Division sa tanggapan ng ALECO sa Legazpi City at ang filing ay magtatapos sa Mayo 10.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

4 mins ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

24 mins ago

‘Internal agreements’ sa pagitan ng China at PBBM admin – pinabulaanan ng DND

Walang alam o hindi kabilang ang Department of National Defense sa internal agreement sa pagitan…

49 mins ago

Mga barko ng PH, Amerika, at France – tuluy-tuloy sa karagatang sakop ng Palawan

Nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Exercise ng mga barko ng Pilipinas, US at France sa karagatang…

1 hour ago

Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan. 'Di pa rin natatapos ang serye ng…

1 hour ago

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

2 hours ago