Local News

Mahigit 74, 800 na indibidwal sa Camarines Norte, wala pang kahit isang dose ng COVID- 19 vaccine, PHO nanindigang hindi nagkulang sa kanilang adbokasiya at strategy

CAMARINES NORTE- Nanindigan ang Provincial Health Office na hindi ito nagkulang sa kanilang adbokasiya para mas marami ang mabakunahan kontra COVID-19.

Sa gitna ito ng kabiguang maisailalim ang probinsiya sa pinakamababang Alert Level dahil hindi pa rin naabot ang 80 % vaccination coverage sa senior citizen.

Sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2 ang Camarines Norte dahil nasa 75. 9 % pa lang ang vaccination coverage sa edad na 60 anyos pataas kahit naabot na ang 82. 8 % sa over- all target.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco marami na silang ginawang strategy at adbokasiya pero marami pa rin daw ang patuloy na tumatangging magpabakuna.

Sa datos ng Provincial Covid- 10 vaccination operation center nasa mahigit 74, 800 pa sa target population ng lalawigan ang wala pa kahit isang dose ng COVID- 19 vaccine.

Mababa pa rin ang nakatatanggap ng COVID- 19 booster shot na nasa 12. 4 % pa lang.

Kaugnay naman nito ay nagpalabas ng Executive Order si Governor Ricarte “Dong” Padilla nitong Huwebes, April 27 na nagpapaalala na sundin pa rin ang minimum public health standards kasabay ang panawagang magpabakuna at magpa booster.

Hinikayat din nito ang mga nakatatanda, may comorbidities, immunocompromised mga buntis, unvaccinated individuals at mga nakakaranas ng sintomas ng Covid- 19 na magsuot pa rin ng face mask.

Samantala muli namang kinalampag ng PHO ang mag LGU na mababa pa rin ang vaccination coverage.

Ani Francisco kung nagawa ng Daet, Basud, Capalonga, San Vicente at Talisay na maabot ang herd immunity ay bakit hindi magawa ng ibang bayan.

Ginawang halimbawa ng opisyal ang Daet na malaking munisipyo na sa ngayon ay nasa 99 % na ang over- all vaccination coverage at 98. 2 % na sa senior citizen.

Sa ngayon ang Paracale na may 67. 5 % vaccination coverage at Sta Elena na may 69.5 % ang may pinakamababang vaccination coverage sa lalawigan.

Tiniyak rin ng PHO na mayroong sapat na suplay ng bakuna sa lalawigan at ang kagustuhan lang talagang magpabakuna ng ilan ang problema.

BNFM Daet

Recent Posts

Aklan Youth Center, nagpaidaeum sa Alternative Learning System Assessment

Nagpatigayun ro Provincial Social Welfare and Development Office – AYC ag Department of Education Aklan…

34 mins ago

Mga Aklanon athlete nga nag-intra sa WVRAA, nakauli eon it Aklan

Nakauli eon sa Aklan ro mga nag intra sa 2024 Western Visayas Regional Athletic Association…

36 mins ago

Sitwasyun it angelwing clams sa Kalibo, pagasayuron

Gusto makarun nga masayran ro presenting sitwasyun it Angelwing Clams o Diwae sa baybayon it…

38 mins ago

Masobra P1.2M nga balor it illegal nga droga, nakumpiska sa Iloilo

Masobra sa P1.2 milyong nga balor it shabu ro nakumpiska it kapulisan sa suspek nga…

40 mins ago

P1.3M nga balor it ICT equipment, iga-turn over it PRO6

Iga-turn over it Police Regional Office (PRO6) ro kapin sa P1.3 milyong nga balor it…

41 mins ago

PNP, walang impormasyon sa 2 aktibong general na sangkot sa destab plot vs Marcos admin

Walang natatanggap na impormasyon ang Philippine National Police (PNP) na may 2 aktibong heneral na…

3 hours ago