Alex Eala, wagi sa doubles tournament ng W75 Croissy-Beaubourg tournament

Namuno ang Filipina tennis player na si Alex Eala at kanyang French partner na si Estelle Cascino sa doubles tournament ng W75 Croissy-Beaubourg tournament sa France.

Inangkin nina Eala at Cascino ang titulo matapos talunin ang top-seeded pair nina Jessika Ponchet ng France at Maia Lumsden ng United Kingdom.

Bago ito, tinalo ng dalawa sina Kira Pavlova at Marie Weckerle ng Luxembourg, at ang duo nina British Emily Appleton at Isabelle Haverlag ng Netherlands sa quarters.

Ito na ang ikalawang doubles title ni Eala ngayong taon matapos manalo sa W50 tournament sa India sa unang bahagi ng 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *