Alice Dixon, nabiktima ng mga mandurukot

Ibinahagi ng aktres na si Alice Dixon na nabiktima siya ng grupo ng mga madurukot.

Sinabi ni Alice sa kaniyang Instagram post na group effort ang nangyaring pandurukot sa kaniyang cellphone.

Naikwento ni Alice na base sa kuha ng CCTV ay posibleng sangkot sa modus ang apat hanggang sa anim na lalaki at babae.

Ipinunto ng aktres na meron dalawang tao ang bumangga sa kaniya sa harapan at likod para makuha ang kaniyang cellphone.

Ipinayo naman ni Alice sa mga “unsuspecting shoppers” na maging “very very mindful” sa kanilang mga belongings at sa mga tao na panay ang dikit sa mga pampublikong lugar.

Sa dulo ng post ni Alice ay sinabi niya na to be continued ang kaniyang storya tungkol sa unang karanasan niya na madukutan, ngunit sinabi niya rin na concluded na ang ang police investigation sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *