Alimokon na boluntaryong isinurender ng concerned citizens ibinalik sa kagubatan ng mga tauhan ng DENR- PENRO Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Naibalik na sa wild ang isang alimokon o white-eared brown dove matapos itong pakawalan sa Bicol Natural Park.

Ang ibon na may katamtamang laki ay isinurender  sa Bicol Natural Park staff at Forest Guards ng concerned citizens mula sa Lupi, Camarines Sur.

Endemic o sa Pilipinas lang matatagpuan ang naturang uri ng ibon na karaniwang din ay ginagawang pet ng mga tao.

Kaugnay nito, umapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na ireport o isurender sa mga kinauukulan kung may ma- rescue o makuhang kahalintulad nito o anumang wildlife species.

Alinsunod sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, ipinagbabawal ang pagkolekta, panghuhuli at pag- aalaga ng wildlife nang walang kaukulang permiso.

Ang sinumang lalabag sa naturang batas ay maaaring  makulong at pagmultahin.

(Photo courtesy: DENR-PENRO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *