Alkalde ng Bamban Tarlac, giniit na hindi siya sangkot sa sinalakay na POGO

Mariing itinanggi ng alkalde ng Bamban Tarlac na may kinalaman siya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator na sinalakay ng mga awtoridad sa Baofu Compound noong Marso dahil sa hinalang sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Ayon kay Mayor Alice Guo, hindi siya tumulong sa illegal na aktibidad ng Zun Yuan Technology Inc., kabilang ang human trafficking at illegal dentetion.

Nauna nang ibinunyag ni Senador Sherwin Gatchalian ang posibleng pagkakasangkot ni Guo sa POGO hub, batay sa Sangguninang Bayan Resolution na nagsaad na si Guo, na noo’y private citizen, ay nag-apply ng lisensya ng license to operate para sa Hongsheng Gaming Technology Inc.

Mababatid na sinalakay ng mga awtoridad ang Hongsheng noong Pebrero 2023.

Ang naturang compound ay ginamit din ng Zun Yuan Technology Inc., bilang sentro ng operasyon na sinalakay naman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission noong Marso 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *