Alkalde ng Basud Camarines Norte tiniyak na may matatanggap ang job order employees ngayong kapaskuhan

CAMARINES NORTE – Tiniyak ni Mayor Adrian Davoco na magiging “merry” pa rin ang pasko ng Job Order employee’s ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte dahil mayroong matatanggap ang mga ito.

Ayon kay Davoco hinihintay lang ng LGU ang ilalabas na Executive Order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa matatanggap na pamasko ng mga JO.

Hindi kasi katulad ng regular employees, ang job order employees ay walang employer- employee relationship kaya hindi ito entitled ng parehong benepisyo sa una.

Gayunman nagbigay ng kasiguruhan ang Alkalde na may matatanggap pa rin ang mga ito at hinihintay lang ang guidelines. Kailangan kasi umano ito para hindi magkaproblema sa Commission on Audit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *