Daraga mayor Baldo, humiling sa MGB Bicol ng site inspection sa kanilang quarry areas

LEGAZPI CITY – Nakapagpadala na ng sulat ang Local Government Unit (LGU) Daraga sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) para sa pagsasagawa ng site inspection sa mga qaurry operators.

Ayon Daraga mayor Carlwyn Baldo, ipinatigil din nito ang mga nagsasagawa ng quarry matapos ang kanyang ginawang assestment sa mga quarry operators.

Dahil dito magsasagawa rin ang tanggapan ng MGB at EMB nang evaluation at assessment ang mga ito para na rin sa kaligtasan ng mga residente.

Aabot sa humigit sa 20 ang nag-ooperate na quarry sa daraga kung saan limang barangay ang apketado sa quarry

Kabilag rito ang Barangay ng Misi, Matnog, Busay, Budiao at Bañadero.

Dagdag pa nito, halos kokonti lang naman ang napupunta na tax sa LGU sa pagquaquarry.

Sinabi ng opisyal, suportado rin ng Lgu Daraga ang ginawang pagpapatigil ng Gobernador ng Albay sa mga quarry operators dahil sa may mga residente ang apektado rito at kinakailangan sundin ang alituntunin sa pagquaquarry sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *