Alkalde ng Juban, isinugod sa ospital matapos na sumama ang pakiramdam sa loob ng kanyang detention cell


SORSOGON CITY – Nasa pribadong ospital ngayon ang alkalde ng Juban na si Antonio ‘Cama’ Alindogan matapos na sumama ang pakiramdam nito sa loob ng kanyang selda sa Juban Municipal Police Station, kinumpirma mismo ito sa Brigada News ng hepe na si PLt Jonathan Hapa.

Ayon pa sa hepe, may advice ang doktor ng alkalde na pansamantalang e-confine muna ang pasyente habang hindi pa stable ang kalagayan nito.

Kung babalikan, boluntaryong sumuko si Mayor Alindogan sa himpilan ng pulisya matapos malaman na ibababa na ang kanyang warrant of arrest.

Si Alindogan, 63-anyos, ay nahaharap sa kasong 3 counts of Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na isang non-bailable offense. Sumuko ito, tanghali noong Huwebes, Enero 20.

Ang arrest order ay ipinalabas ng Family Court 5th Judicial Region, Br 12, Sorsogon City.

Ang alkalde ay nagsilbi ng 9 na taon sa nasabing bayan. Mga apat na buwan na lang ang natitira sa kanyang huling termino.

Ang kanyang asawa na si Gloria ay tumatakbo para palitan siya bilang alkalde sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *