Local News

Alkalde ng Legazpi City, ipinauubaya na sa COMELEC ang recount sa nakaraang eleksyon na inihain ng kampo ni dating AKB party-list Cong. Pido Garbin

LEGAZPI CITY – “Let it be”. Ito ang naging pahayag ni Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal sa Brigada News FM Legazpi nang tanungin ng patungkol sa gagawing recount sa nakaraang eleksyon na isasagawa ng COMELEC Central Office na inihain ni dating AKB Party-list Cong. Alfredo Pido Garbin.

Ayon sa alkalde, naniniwala siyang anuman ang kalalabasan ng recount ay wala itong nilabag sa panahon ng pangangampanya, kung kaya’t hindi niya ito ikinababahala.

Aniya, kung sa tingin ng kanyang katunggali ay nagkaroon ng hindi patas sa eleksyon, hindi na nila ito kontrolado para magsampa ng recount.

Hindi rin masabi ng opisyal kung sila ay lalamang pa sa mahigit 500 boto o ang kalaban ang mas lalamang sa gagawing recount dahil may mga invalid na balota ang hindi nabilang sa PCOS machine.

Sa ngayon ay maghihintay na lamang ito ng resulta mula sa komisyon upang malaman ng publiko kung sino ang pinili na uupong alkalde ng lunsod.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago