Alkalde ng lungsod ng Naga muling hiningi ang suporta ng mga taga media para sa pagpalaganap ng tamang impormasyon at labanan ang mga maling balita o fake news

NAGA CITY – Isa sa mga nananawagan na labanan ang fake news ay si Naga City Mayor Son Legacion na naging inducting officer sa mga bagong opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas-Camarines Sur Chapter, kagabi na dinaluhan ng maraming mga media practitioners.

Sa kanyang maikling talumpati, ipinunto ng Alkalde na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga taga-media sa pagpapalabas ng anumang mga balita at impormasyon na kapaki-pakinabang naman sa publiko.

Lahat aniya ng balita ay nailalabas ng media sa publiko at ito ay malaking tulong sa mga Lokal na Pamahalaan tulad ng sa Naga City.

Kasabay nito ay ang kanyang paalala sa mga taga-media na sana hadlangan ang anumang maling impormasyon, huwag gumawa ng fake news na makakasira hindi lang sa imahe ng mga Local Excutives maging sa mga LGUs.

Maging ang iba pang mga retiradong media practitioners na nasa okasyon, kagabi ay ganito rin ang panawagan, iwasan ang fake news, labanan ang fake news.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *