‘All I Want for Christmas is You’ ni Mariah Carey, muling nanguna sa Billboard

Muling namayagpag holiday hit ng international pop superstar na si Mariah Carey na “All I Want for Christmas Is You” sa top charts ng Billboard Hot 100.

Ito na ang ika-13 linggo na nanguna ang kanta sa chart mula nang ilabas ito noong 1994.

Ito rin ang ikalimang sunod-sunod na taon na napunta ito sa No. 1 mula noong unang peak noong 2019.

Pumangalawa naman ang “Rockin’ Around The Christmas Tree”, na sinundan ng iba pang mga holiday songs na “Jingle Bell Rock,” “Last Christmas,” at “A Holly Jolly Christmas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *