Alternative media groups, binatikos ang mga napaulat na cyberattacks sa kanilang websites

Binatikos ng alternative media outlets ang serye ng mga napaulat na cyberattacks sa kanilang websites, na na-trace ng grupo mula sa ahensya ng gobyerno at sa militar.

Sinabi ng Sweden-based Quirium sa isang alert na nakatanggap ito ng brief ngunit frequent denial attacks sa nakalipas na buwan sa mga pages ng Bulatlat, AlterMidya, at pati na rin ang rights group na Karapatan.

Noong May 18, ay naiulat nito na meron makinarya mula sa Department of Science and Technology ang nagpatakbo ng vulnerability scan laban sa bulatlat.com.

Ayon sa Quirium, lumalabas na ang IP address ay pag-aari ng Philippine Research, Education, and Government Information Network.

Dagdag nito, kung titingnan ng maigi ang IP address at firewall, ay makikita ang ilang email address na nakarehistro sa Philippine Army sa Taguig.

Inihayag naman ng Bulalat na base sa findings ay makukumpirma nila na ang cyberattacks ay politically-motivated at state-sponsored.

Iginiit ng media outlet na hindi na ito nasorpresa sa resula ng mga digital forensic.

Ipinunto ng Bulatlat na naging consistent ang state agents at ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagbansag sa kanila bilang communist fronts dahil sa kanilang pagsusulong ng journalism na para sa mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *