Alternative transpo, pinaplantsa ng DOTr at LTFRB kasabay ng ng PNR ops suspension

Pinaghahandaan na ng Department of Transportation at LTFRB ang epekto ng suspensyon ng operasyon sa Philippine National Railways (PNR).

Simula Marso 28 kasi, ititigil na muna ng PNR ang operasyon nito sa loob ng limang taon para bigyang-daan ang mga civil works ng North-South Commuter Railways.

Ayon sa PNR, pansamantalang sususpindihin ang operasyon sa mga istasyong Governor Pascual hanggang Tutuban at Tutuban hanggang Alabang.

Dahil dito, inaayos na ng naturang mga ahensya ang alternatibong ruta ng bus upang matugunan ang mga pasaherong maaapektuhan sa panahon ng suspensiyon ng PNR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *