Alternative work arrangement ng DepEd personnel ipapatupad pa rin hanggang hindi ibinababa sa Alert Level 1 ang COVID- 19 restriction.

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education na ipinapatupad pa rin ngayon  ang Alternative Work Arrangement kapwa sa Teaching at Non- Teaching personnel sa Division Office at sa mga eskwelahan.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo mula nang mag umpisa ang pandemya ay ipinapatupad na ng DepEd ang Alternative Work Arrangement bilang pag- iingat sa gitna pa rin ng banta ng COVID- 19.

Aniya mananatili ang ganitong sistema hangga’t hindi ibinababa ang Alert Level.

Paliwanag ni Guemo sa programang DepEd Hour kapag ideneklara na ang Alert Level 1 o ang pinakamababang alerto ay obligado nang mag report on site ang lahat ng personnel.

Kapag isang daang porsieneto na ang workforce ay mahigpit pa ring ipapatupad ang health protocols.

Kailangan na ring sumailalim sa regular na RT- PCR test ang mga hindi bakunado  kung mapapatunayan na sapat ang bakuna ng LGU at ayaw lang talagang magpabakuna.

“Kapag lahat na po  nag report on site, ito pong mga hindi pa vaccinated at nakalagay po dito  at i- declare na ang LGU, lahat ay may sufficient vaccine, ayaw nila magpa vaccine ng ating mga kasamahan at their own expense na po ang RT PCR at repeat every 2 weeks’.

Pero dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID- 19 sa lalawigan at sa banta ng Omicron variant posibleng hindi pa ito matuloy.

Sa katunayan nito lang weekend ay 49 na panibagong kaso ng sakit ang naitala sa lalawigan.

Kinumpirma rin ni Guemo na mayroong dalawang nagpositibo sa Division Office, isa dito ay asymptomatic habang ang isa naman ay nakakaranas ng mild symptoms.

Sa ngayon ay hinihintay ng DepEd ang ilalabas na bagong panuntunan ng Incident Management Team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *