Ama ni Taylor Swift, sinuntok umano ang isang photographer sa Australia

Iniimbestigahan ng Australian police ang mga pahayag na sinuntok umano ng ama ng American Pop Star na si Taylor Swift ang isang photographer habang bumababa ito sa isang superyacht noong Martes ng umaga.

Bagama’t hindi pinangalan ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng sangkot sa insidente sa Neutral Bay Wharf, binunyag ng biktima at beteranong photographer na si Ben McDonald na si Scott Swift ang nanuntok sa kansya.

Ayon kay McDonald, kinukunan niya ng litrato si Taylor at ang mga kasama nito sa isang luxury superyacht sa Sydney Harbour, nang bigla siyang sinuntok ng ama ng singer.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, kinumpirma naman ng polisya na nakaalis na ng Australia si Scott Swift.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *