Amang namayapa, inihanda ang sariling pamburol na kagamitan bago ito mawala

Isang babae kamakailan ang nag-post sa kaniyang Facebook account patungkol sa kaniyang karanasan sa kaniyang naospital na ama.

Ayon sa Facebook post ni Shirly Santos-Azura, naghahanap lamang siya umano ng damit para sa kaniyang tatay na nasa ospital dahil sa sakit nito, subalit, nagulat ito sa nakita niya sa kanilang drawer.

Inihanda na kasi ng kaniyang tatay ang mga kagamitan dahil sa inaasahan nitong mawawala na siya kalaunan kung saan may nakasulat sa isang paper tape na nakadikit sa balot ng damit nito na “pamburol ko.”

Hindi naman umano alam ni Shirly ang kaniyang mararamdaman sa mga oras nito, subalit, naisip na lamang umano niya at sinabi nito na “galling ni tatay dahil naghahanda na siya.”

Nag-viral naman ito sa social media at marami ngang netizens ang naantig sa kuwentong ito.

Kamakailan lamang ay ibinahagi rin ni Shirly na tuluyan nang namaalam ang kaniyang ama dahil sa sakit nito.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *