Ambassador Huang, dapat na raw umuwi ng China -Sen. Villanueva

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na napapanahon na para pabalikin si Ambassador Huang Xilian sa Beijing dahil sa mga panibagong agresyon ng China sa West Philppine Sea.

Isinusulong ng senador na palitan si Xilian ng isang taong uunahin ang pagsunod sa mga internasyonal na batas.

Kaugnay rito, ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ambassador dahil sa delikadong maniobrab ng mga sasakyang pandagat ng China.

Nanawagan rin ang senador na dagdagan ang pondo at modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) upang mas maipagtanggol ang ating mga karapatan sa soberanya sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *