Amerika maglalabas ng arrest warrant laban sa appointed son of God na si Quiboloy

Ipinag-utos ni Central District of California Judge Terry Hatter Jr. ang unsealing o paglabas ng arrest warrant laban sa Appointed son of God na si Apollo Quiboloy at kaniyang kapwa akusado.

Ayon kay New York lawyer Lara Gregory, ito ang unang hakbang para sa extradition process ng US Department of Justice para kay Quiboloy.

Ang unsealing ng arrest warrant ay ni-request ng United States Attorney Criminal Division na humahawak sa kaso ng Pastor.

Si Quibolloy ay nahaharap sa kasong conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, coercion, sex trafficking of children, conspiracy, at cash smuggling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *