Amerika, naglunsad ng multinational operations sa Red Sea

Naglunsad ang Amerika ng isang multinational operations upang pangalagaan ang komersiyo sa Red Sea, sa gitna ng mga pag-atake ng mga militanteng grupo sa mga freight companies.

Ito’y matapos naglunsad ang Houthi ng mga drone at missiles attack noong nakaraang buwan sa mga international vessels na naglalayag sa Red Sea, bilang tugon sa pag-atake ng Israel sa Gaza Strip.

Ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin, ilang mga bansa ang kabilang sa secruity operation, kabilang ang  United Kingdom, Bahrain, Canada, France, Italy, Netherlands, Norway, Seychelles, at Spain.

Magsasagawa ang grupo ng joint patrols sa southern Red Sea at Gulf of Aden.

PHOTO COURTESY: US Defense Sec. Lloyd Austin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *