Amihan Season, opisyal nang nag-umpisa

Opisyal nang inanunsyo ng PAGASA na nagsimula na ang Amihan season ngayong araw.

Ito’y matapos naobserbahan ng state weather bureau ang paglakas ng northeasterly winds sa hilagang bahagi ng Luzon.

Dahil dito, magiging malamig ang panahon at inaasahang ito’y titindi pa sa susunod na mga araw.

Batay sa huling abiso ng PAGASA, wala pa namang mino-monitor na Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *