AMLC inalerto ang mga sa bangko posibleng digital vote-buying at vote selling sa eleksiyon

Inatasan ng Anti-Money Laundering Council (AMLaC) ang mga bangko at iba pang institusyong pampinansyal na magbantay sa tinatawag na ‘dirty money’ na maaring gastusin para sa digital vote-buying at vote-selling.

Sa inilabas na advisory ng AMLaC pinatitingnan nito sa mga bangko ang ilang ‘red flags’ na maaring mai-ugnay sa vote buying.

Kabilang na dito ang malalaking transaksyon na nagaganap sa maikling panahon, kaduda-dudang malalaking pagdeposito at pag-withdraw ng pera at “mga transaksyon na tila hindi naaayon sa pinansiyal na profile ng customer o negosyo.”

Batay sa Section 261 ng Article 22 ng Omnibus Election Code ng Pilipinas, ang pagbili at pagbebenta ng boto ay kasama sa mga ipinagbabawal na gawain at mga pagkakasala sa halalan.

Noong Enero naglabas na rin ng paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa mga bangko na palakasin ang mga hakbang para labanan ang electronic vote-buying at vote-selling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *