Anak umano ni Francis M. sa ibang babae, hindi apektado sa mga sinasabi ng bashers

Hindi nagpaapekto sa sinasabi ng mga bashers ang nagpakilalang anak ng yumaong Master Rapper na si Francis M.

Matatandaan na ibinunyag ng dating flight attendant na si Abegail Rait sa isang vlog na nagbunga ang pagmamahalan nila ni Francis at ito raw ay si Gaile Franchesca.

Ilan sa mga comment ng netizens ay tinawag na kabit ang kanyang nanay at for show lamang daw ang kanyang paglabas sa publiko dahil tatakbong kandidato si Abegail sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Ayon kay Chesca, alam niya ang totoo kaya’t wala siyang pakialam sa mga comments.

Punto niya, ‘Ang alam ko lang ay anak ako ng tatay ko.’

Bukod dito, inanunsiyo rin ni Chesca na hangad nitong pasukin ang mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *