Anakbayan, iginiit na dapat managot ang eskwelahan sa pagkamatay ng 2 estudyante sa Taguig

Dapat managot ang Signal Village National High School (SVNHS) sa Taguig sa pagkamatay ng dalawa nitong estudyante.

Ito ang iginiit ng isang organisasyon na Anakbayan Taguig matapos matagpuang walang buhay ang dalawang babaeng mag-aaral sa loob ng Girls Scout Mini Office, sa ikatlong palapag ng Magsaysay Building ng naturang paaralan.

Ayon sa grupo, nakikiramay sila sa pamilya ng dalawang estudyante, at dapat lang panagutan ng school ang insidente dahil nangyari ito sa loob ng kanilang nasasakupan.

Samantala, una nang sinabi ng Philippine National Police-Taguig at Scene of Crime Operation (SOCO) na wala silang nakitang indikasyon ng foul play sa pagkamatay ng dalawang high school students.

Kaugnay nito ay sinabi ni Taguig police chief Col. Robert Baesa na tinatanggap naman ng mga kaanak ng dalawang mag-aaral na walang nakitang foul play sa kanilang pagkamatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *