Sports

Ancajas, babyahe patungong Las Vegas para magsanay

Nakatakda nang bumyahe si IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas papuntang Las Vegas sa Miyerkules para sa pagsisimula ng huling bahagi ng kaniyang pagsasanay para sa ika-10 nitong title defense.

Inaasahan na makakabalik si Ancajas sa ring sa Oktubre o Nobyembre para sa balak nito na maisaayos ang unification bout laban sa WBA super titilist na si Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Kasalukuyang nagsasanay sa Bukidnon si Ancajas, at inaasahan na babyahe ito patungong Maynila sa Martes para sa kaniyang flight sa susunod na araw.

Plano ng kampo ni Ancajas na magkaroon ng title unification kasama ang WBO champion na si Kazuto Ioka, ngunit posibleng mangyari pa ito sa 2022.

Kamakailan ay matagumpay na nadipensahan ng Japanese star ang kaniyang titolo laban kay Francisco Rodriguez Jr. ng Mexico, habang nagpahayag na rin siya ng intensyon na makaharap si Ancajas.

BNFM Makati

Recent Posts

Maikling oras ng klase, inirekomenda ng city health

Inirekomenda ng City Health office ang mas maiksing face-to-face class ng mga estudyante upang makaiwas…

3 mins ago

2 lalaki, natabunan ng gumuhong lupa sa Calauag, Quezon

Nagpapatuloy ang isinasagawang retrieval operation para sa dalawang lalaki na natabunan umano ng gumuhong lupa…

23 mins ago

Isang patay na pawikan, natagpuan sa Atimonan, Quezon

Natagpuan ang pinaghihinalaang Leatherback Sea Turtle sa baybayin ng Barangay Caridad Ibaba, Atimonan, Quezon ngayong…

29 mins ago

Sahod, pinare-review ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magsagawa ng…

29 mins ago

Libu-libong halaga ng iligal na droga, nakumpiska; high value individual, arestado

Natimbog ang isang High Value Target individual sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation ng…

30 mins ago

Turismo, negosyo at digital connectivity, nagpa-angat sa ekonomiya ng rehiyon dos

Nakapag-ambag ng malaki sa pag angat ng ekonomiya ng Rehiyon Dos ang industriya ng turismo,…

35 mins ago