Angelica Panganiban, ikinasal na sa kanyang fiance

Ikinasal sa bisperas ng bagong taon ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang businessman fiancé na si Gregg Homan.

Hindi ibinunyag ni Panganiban ang venue ng kanyang kasal ngunit nag-upload siya ng mga larawan kasama ang mga kaibigang sina Bela Padilla, at Kim Chiu sa Los Angeles isang araw bago ang kasal.

Kabilang rin sa kanyang mga post ang litrato ng kanilang anak na si Baby Bean.

Maalalang unang nagkita sina Panganiban at Homan noong 2018 sa pamamagitan ng kaibigan na aktres na si Cherry Pie Picache.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *