Angeline Quinto, inanunsyo ang kanyang muling pagbubuntis

Usong uso ngayon ang Asoka Trend na nagmula sa isang Indian movie.

Ngunit gumawa ang mga Pilipino ng sarili nitong version, kung saan tinatampok ang makulay na kultura ng ating bansa.

Ito ang ginamit ni Angeline Quinto para sa kanyang special announcement, na tila’y swak na swak dahil siya mismo ang kumanta ng “Piliin mo ang Pilipinas.”

Aniya, hindi siya magpapahuli sa trend na ito kaya naman nagtransform ang singer sa isang magandang Filipiniana dress.

Sa huli, ipinakita niya ang kanyang “baby bump” na nangangahulugang may dagdag na isang supling sa kanilang pamilya.

Sa video niya rin ginawa ang gender reveal ng kanyang second baby, sa pamamagitan ng larong pinoy na “Hampas Palayok.”

At nang mabasag ang palayok, mapapasigaw ka na lang talaga ng “IT’S A GIRL!!!”

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *