Anim na bangkay – narekober ng mga otoridad sa landslide sa Maco, Davao de Oro

Anim na bangkay na ang narekober ng mga awtoridad sa nagpapatuloy na rescue operations sa nangyaring landslide sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro.

Sa ulat ng Maco MDRRMO hanggang alas dos kaninang hapon, bukod sa anim na nasawi, 31 na sugatang indibidwal pa ang nasagip na una nang na trap matapos matabunan ng landslide.

Sa ngayon, mayroong 46 na mga indibidwal ang naiulat na nawawala habang nasa 758 pamilya ang nasa mga Evacuation Centers.

Patuloy pa rin ang rescue at retrieval operations kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno at mga rescue team ng probinsiya.

Unang iniulat ng Eastern Mindanao Command na nailigtas ng rescue teams ang 45 biktama mula sa 86 na empleado ng APEX mining na inisyal na iniulat na na-trap ng landslide kagabi.

Itinigil ang rescue Operations kagabi dahil sa sama ng panahon, at itinuloy ngayong araw.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *