Anim na mga OFWs mula sa Lebanon, nakabalik na sa Pilipinas

Dumating na sa bansa ngayong araw ang anim na mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon.

Sakay ng isang flight mula sa Dubai, lumapag ang kanilang sinasakyang eroplano alas-sais ng umaga kanina.

Sila ay ang unang batch ng repatriates mula sa Lebanon na naipit din sa kaguluhan dahil sa mga Hezbollah Militants.

Sa kabuuan, mayroong nasa 127 OFWs mula sa Lebanon ang nais makabalik ng bansa.

Samantala, ngayong hapon din inaasahan ang pagdating ng nasa 22 mga OFWs mula sa Israel.

Nakatakda silang salubungin ng DMW at ng OWWA.

Ito na ang ika-limang batch ng mga OFWs mula sa Israel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *