Anim, patay sa pagsabog ng isang truck sa Mongolia

Hindi bababa sa anim na tao, kabilang ang tatlong bumbero, ang nasawi nang bumagsak at sumabog ang isang trak na may lulan ng 60 toneladang liquefied natural gas sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Ayon naman sa Emergency Management Office ng Mongolia, 11 katao ang nasugatan sa sunog malapit sa Dunjingarav market.

Saad ng hepe nito na si G. Ariunbuyan, nakatanggap ng tawag ang ahensya hinggil sa insidente bandang ala una ng madaling araw.

Nagtulong tulong ang mahigit 600 bumbera upang maapula ang apoy.

Ayon sa preliminary assesment, nagsimula ang sunog nang bumangga ang isang truck sa isang maliit na kotse, kaya’t nagresulta ito sa pagsabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *