Anino ni Mama Mary: totoo nga ba o gawa-gawa lamang?

Gaano katatag ang pananampalataya mo? Naniniwala ka ba sa isang milagro?

Isang anino ang namataan na umano’y kasing-hugis ni Mama Mary na na tila’y nakasuot ng belo, ang nakunan sa Our Lady of Sorrow sa Batong Paloway sa Bayan ng San Andres.

Ang nasabing retrato ay nakunan ni Maribel de mesa Poniado nitong Sabado, Marso 3.

Ayon sa kanya wala umanong tao sa bahagi ng anino na maaaring naging dahilan ng naturang hugis, kung kaya’t isang papalaisipan ito para sa kanya.

Kaya naman ito ay ipinost niya sa isang online platform na agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon at komento.

Gaya ng ito raw ay maaaring anino ng isang tao na hindi naisama sa retrato, sa kabilang banda naman ay naniniwala na isa itong himala at maaaring tanda ng nalalapit na semana santa.

Gayunpaman, may milagro man o wala sa letratong ito, marapat lamang na mas patatagin pa ang paniniwala at pananampalataya ng mga tao sa Diyos.### Mitzi Lomerio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *