Annabelle Rama, nahaharap sa cyber libel case

Naghain na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng cyber libel case laban sa talent manager na si Anabelle Rama, kasunod ng cyber libel at cyber-bullying complaint ng film producer na si Jayke Joson noong nakaraang taon.

Si Joson na dating aide ni boxing champion Manny Pacquiao, ay naghain ng reklamo noong October 2021 matapos akusahan ni Rama na umano’y nagnakaw ng P140 million mula sa boxing icon.

Sa gitna nito, naghain rin si Rama ng cyber libel complaint laban kay Joson noong Disyembre, matapos umano siyang tawagin na “swindler.”

Ayon kay Joson, itinuloy niya ang kaso para labanan ang bully at nagpapakalat ng fake news. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *