Anne Curtis, magkakaroon ng Madame Tussauds Wax Figure

ANNE-nother dream come true para sa aktres na si Anne Curtis dahil magkakaroon siya ng sariling wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong!

Ibinahagi ng Diyosa ang balita sa Instagram with matching post pa ng pictures na sinukat ang kanyang mukha, posing pa with wax eyeballs, buhok at maging handprint.

Ayon kay Anne, hindi siya makapaniwala na siya ang napili na gawan ng wax kaya’t malaki ang pasasalamat nito.

Ang iba pang Pinoy celebrities na may sariling wax figure ay sina Pia Wurtzbach, Catriona Gray at Manny Pacquiao.

Biro pa ng aktres, just in case na hindi makauwi ang mga OFW sa birthday nito ay makikita na siya bilang life-sized wax figure.

Maaalala, naging biruan sa noon time show na ang pinaka nami-miss ng mga OFW sa bansa ay ang birthday kuno ni Anne.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *