Local News

Anti-Covid19 discrimination ordinance tinalakay sa pamahalaang panlalawigan.

Muling tinalakay sa pamahalaang panlalawigan ng Palawan ang anti-COVID-19 Discrimination Ordinance upang mas maprotektahan ang bawat-isa hinggil sa deskriminasyon ngayong pandemia.

Sa ilalim ng ordinansa, ipinagbabawal ang anumang uri ng pamamahiya o diskriminasyon, at pangha-harass sa suspected at mga taong kumpirmadong dinapuan ng CoronaVirus Disease.

Binigyang diin ng Liga ng mga Barangay President na si Board Member Ferdinand “Inan” Zaballa na syang may-akda ng ordinasa na nagmula sa Nationa-IATF Resolution na ipinagababawal ang diskriminasyon sa lahat ng lumalaban sa COVID-19.

Walang gustong magkaroon ng sakit, ng COVID. Ang mga frontliners natin, they did not signed up for this, nor they were ready. Wala sa atin ang naka foresee na may darating na ganitong unos. Pero andiyan na ‘yan, at magpasalamat nalang tayo dahil andiyan sila na patuloy na nagtatrabaho para sa kapakanan nating lahat.” saad ni ZaballaBawal din ang paninira at magpakalat ng negatibong impresyon sa publiko o sa social media tungkol sa positibo o pinaghihinalaang kaso ng coronavirus maliban lang kung ang COVID patient ay pumayag para ibigay ang kanyang impormasyon lalo na kung kinakailangan para sa “contact tracing”.

Pino-protektahan ng ordinansang ito laban sa maling pagtrato at pambabastos sa mga doctor, nurse, frontliners, volunteer workers at iba pang mga kawani sa health at service sector.

Ang sinumang mapapatunayang lumabag sa ordinansang ito ay pagbabayarin ng danyos na P3,000 para sa 1st offense hanggang P5,000 para sa paulit-ulit na paglabag.

Naniniwala si Zaballa na agad na pagtitibayin kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang inihaing ordinasa.

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago