Anti-flu vaccine sa Magarao, Camarines Sur, paubos na

CAMARINES SUR- Sa patuloy na pamimigay ng libreng bakuna kontra trangkaso ng Department of Health (DOH) Bicol kung saan umabot na ito sa mahigit 300 mga indibidwal ang nabakunahan, sa bayan naman ng Magarao, Camarines Sur, malapit nang maubusan ng stock ang Rural Health Unit kung saan dalawang barangay na lang ang aabutin nito.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Nurse Jesa Lumbo ng RHU Magarao, nakalaan ang mga bakunang ito sa residente ng mga taga barangay Sta. Lucia at Ponong ng nasabing bayan. Aniya, paubos na nitong Enero ang kanilang stock dahil noong nakaraang Disyembre ay namigay pa rin sila ng mga bakuna sa publiko.

Tiniyak naman ni Lumbo na kapag nakapagrestock na sila ngayong darating na Setyembre o Oktubre, agad nilang ibabalik ang pamamahagi ng libreng bakuna, hindi lang sa mga matatanda kun’di sa lahat ng mga lapitin ng sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *