Anti-Smoking Ordinance sa Koronadal, hinigpitan

HINIGPITAN pa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang pagpapatupad ng Comprehensive Anti-Smoking Ordinance syudad. Haharap umano sa multang P1,000 sa 1st offense, P2,000 sa 2nd offense at P3,000 naman sa 3rd offense.

Mahaharap naman sa P5,000 at pagkabilanggo ng 1 hanggang 6 na buwan batay sa magiging desisyon ng korte para sa mga indibidwal na pa-ulit-ulit na nahuhuli. Kaugnay nito, mahaharap naman sa P2,000 na penalidad at suspension ng license ang mga tindahan na nagbebenta ng tobacco products sa oras na hindi magbabayad ng penalidad gayundin mabigog mabago ang mga bagay na nasita ng gobyerno; P3,000 naman at suspension ng lisensya sa oras ng hindi pagbabayad ng penalties at mabigong magpatupad s autos ng gobyerno; at P4,000 na penalidad at suspension ng lisensya kung saan kukumpiskahin pa ang cigarette kag tobacco products. Samantala, P5,000 at cancellation ng business permit o pagkabilanggo ayon sa desisyon ng korte ang kahaharapin ng makailang beses na nahuling iligal na mga store owners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *