ANTIGEN Test para sa mga papasok ng City Hall, No need na!

COTABATO CITY – Hindi na kinakailangan pa na sumailalim sa antigen test ang mga papasok na bisita o mayroong transaksyon sa City Hall simula ngayong araw.

Ito ay base sa anunsyo ni City Composite Quarantine Team at City Public Safety Officer Chief Ret. General Rolen Balquin ngayong umaga sa Brigada News FM Cotabato.

Sinabi ni Balquin na tanging mga empleyado na lamang ng City LGU ang isasailalim sa naturang test ngunit sa mga magtutungo ng Peoples palace ay kinakailangan pa rin nila na sundin ang ipinapatupad na mga minimum health protocols.

Ang mga pagbabagong ito ay resulta ng pagpupulong nila kagabi kung saan ay kanilang napansin na nagiging aloof na ang ibang kliyente ng city hall dahil sa naturang regulasyon at takot na magpositibo ang mga ito sa test.

Samantalang kanya ring kinumpirma na mayroong tatlo sa mga kawani ng City Composite Quarantine ang nagpositibo sa antigen at ngayon ay kasalukuyan nang naka quarantine at inaantay na lamang ang resulta ng kanilang RT PCR Test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *