Apat – kritikal sa pagguho ng isang simbahan sa CSJDM, Bulacan

Umapela Malolos Bishop Dennis Villarojo sa mga Katoliko na makiisa sa pagdarasal para sa mga biktima ng pagbigay ng bahagi ng isang palapag ng St. Peter Apostle Parish Church sa San Jose del Monte City Bulacan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bishop Villarojo na nananalangin sila para sa mabilis na recovery ng mga sugatan.

Nakikiramay din sila sa isang 80-anyos na ginang na nasawi sa insidente.

Sa ngayon – tuluy-tuloy pa rin umano ang pagbibigay nila ng tulong sa mga sugatan, pati na rin sa naulila ng namatay.

Maaalalang ipinasara na muna ang Simbahan habang isinasaayos pa ang nawasak na istruktura.

Patuloy pa ring sinusubaybayan at naka-confine sa ospital ang apat na mga nasugatan.

Ayon kay San Jose del Monte City – City Disaster Risk Reduction and Management Office chief Gina Ayson, binabantayan pa rin ang kundisyon ng apat na malala ang kalagayan, mula sa 55 na nasugatan sa insidente.

Nakauwi naman na ang 51 sa mga ito.

Samantala, tiniyak naman ng LGU na sinagot nila ang hospital bills at pati na rin ang pagpapalibing sa 80-anyos na ginang na namatay sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *