Apat na bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nakapagtala muli ng mga panibagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte makaraan ang ilang linggo na zero case ang probinsiya.

Batay sa datos ng Provincial Health Office mayroong apat na aktibong kaso ng sakit sa lalawigan na mula sa Daet, Labo, Mercedes at Paracale.

Dahil dito sumampa na sa 4, 950 ang kabuuang COVID cases sa Camarines Norte at ang 312 dito ay ngayong taon lang.

Sumampa naman sa 297 ang kabuuang bilang ng nasawi at ang 21 dito ay ngayong taon lang habang nasa 4, 649 naman ang mga gumaling o 93. 92 %.

Kaugnay nito ay nagpaalala ang PHO sa publiko na patuloy pa ring mag- ingat upang makaiwas sa sakit.

Pinangangambahan naman na muling tumaas ang mga kaso ng sakit sa lalawigan ngayong Disyembre kung saan kaliwa’t kanan na naman ang mga pagtitipon dahil sa Christmas season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *