Apat na kalalakihan huli sa iligal na pagtutupada sa bayan ng Labo Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nasa apat na kalalakihan ang nadakip ng mga tauhan ng Labo MPS matapos maaktuhang nagsasagawa ng iligal na sabong o “tupada” dakong 12:43 ng hapon nitong Mayo 27, 2021 sa Brgy. Mabilo II, Labo, Camarines Norte. 

Ang paghuli ay isinagawa batay sa isang impormasyon na mula sa isang concerned citizen na diumano may nagaganap na tupada sa nabanggit na lugar.

Agad namang tumalima ang mga tauhan ng Labo at naaktuhan ang iligal na tupada at agad na naaresto ang mga suspek na sina:

1.     Domingo Villafranca y Frias, 68 taong gulang, may asawa at residente ng P-4 Brgy. Mabilo II, Labo, Camarines Norte;

2.     Renerio Villafranca y Frias, 60 taong gulang, may asawa at residente ng P-5 Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte;

3.     Rufino Rada y Racho, 66 taong, may asawa at residente ng P-5 Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte; at

4.     Jason Villafranca y Lukban, 36 taong gulang, binata at residente ng P-5 Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte.

Nakumpiska sa mga naarestong indibidwal ang apat (4) na panabong na manok (2-patay at 2-buhay); isang (1) piraso ng tari at pera na nagkakahalaga ng Tatlongdaan tatlumpong piso (₱ 330) bilang pusta.

Samantala, ang mga naaresto at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *