Apat na milyong plastic cards na donasyon, hindi na muna tinanggap ng LTO

Kinansela na ng Land Transportation Office (LTO) ang 4 million license card deal nito na donasyon mula sa pribadong sektor.

Ayon kay chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, hindi natuloy ang naturang deal upang mabigyang-daan ang pagbabalangkas ng Department of Transportation (DOTr) ng guidelines na ang donasyon ay unconditional.

Dagdag pa ni Mendoza, gagawin muna ng ahensya ang mga alituntunin para na rin matiyak ng transparency.

Mababatid na una nang nangako ang Philippine Society of Medicine for Drivers ng donasyong 4 na milyong plastic cards na aabot ang halaga sa P160M.

Nakatakda sanang mai-deliver ang 300,000 na piraso ng mga cards ngayong buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *