Local News

Apat pang dialysis machine nakatakdang dumating sa CNPH

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ni Governor Edgardo Tallado nitong Lunes na may parating na apat na karagdagang dialysis machine sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Ayon kay Tallado, sa ngayon ay mayroong limang dialysis machine sa naturang pagamutan at liban pa sa paparating na apat ay bibili pa umano ng anim ang Pamahalaang Panlalawigan.

Dahil dito magiging 15 na ang dialysis machine sa CNPH na malaking tulong umano lalo na sa mga mahihirap.

Hindi raw kasi biro ang gastos sa pagpapa dialysis sa mga pribadong health facility kaya’t kung meron nito sa CNPH ay malaking tulong sa mga mahihirap na minimal na halaga lang ang babayaran at posible nga umanong ma- avail pa ng libre.

Sa susunod na taon ay malaki na rin umano ang pagbabago ng CNPH dahil sa nagpapatuloy na expansion ng mga gusali.

Mababatid na sabay- sabay ang construction ng mga ospital sa lalawigan tulad sa bayan ng Sta Elena, Labo District Hospital sa Labo, Capalonga Medicare and Community Hospital at CNPH.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago