Apat, patay sa methane gas poisoning sa Nueva Vizcaya

Patay ang apat na indibidwal dahil sa methane gas poisoning sa loob ng isang tunnel sa Sitio Sawmill, Barangay Mabuslo, Bambang town, Nueva Vizcaya.

Natukoy ng mga pulis ang mga nasawi na sina Dionisio Alisen, 62 anyos ng Antutot, bayan ng Kasibu; Jeremiah Padilla, 64 anyos ng Sawmill, Mabuslo, Bambang; Selvino Mendoza, 63 anyos ng Banggot, Bambang; at Marlon Mateo Orden, 38 anyos ng Barangay Magsaysay Hill, Bambang sa Nueva Vizcaya.

Si Orden ay isang kagawad na rumesponde sa tatlo, pero siya mismo ay hindi na rin nakalabas sa tunnel.

Nalason umano ang mga ito sa methane gas nang ma-trap ang mga ito sa naturang tunnel.

Hapon nang umpisahan na pasukin ang hukay kung saan nailabas na wala nang buhay ang unang biktima na sinundan ng ikalawang biktima na nailabas naman dakong alas 6:04 ng gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *