Apat patay sa pamamaril sa isang birthday party sa Alabama

Hindi bababa sa apat katao ang namatay habang 28 naman ang sugatan sa pamamaril sa late-night “Sweet 16” birthday celebration sa isang dance studio sa Dadeville, Alabama.

Hindi naman kinumpirma ng state police kung kabilang sa mga namatay ang suspek o ito ay naaresto.

Kinilala naman ang isa sa mga biktimang napatay na si Phil Dowdell na nakatakda na sanang magtapos sa highschool at pumasok sa Jacksonville State University sa pamamagitan ng football scholarship.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at sinabing wala ng ibang banta sa seguridad ng nabanggit na lugar.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *