APEC humingi na ng tulong sa PGA dahil sa mga barangay at business establishments na di nagbabayad ng kuryente

LEGAZPI CITY – Nagpasaklolo na ang Albay Power and Energy Corporation (APEC) sa Pamahalaang Panlalawigan para resolbahin ang problema pagdating sa collection ng kuryente sa mga barangay, sitio at business establishment.


Ayon kay Danny Garcia, ang tagapagsalita ng Gobernador Al Francis Bichara ng lalawigan ng Albay, humingi na ng tulong ang APEC sa Gobernador sa problema ng collection upang mapaganda ang serbisyo ng kuryente sa lalawigan.
Aabot kasi 74% ang kanilang nakokolekta sa mga nagbabayad ng kuryente habang 26% naman ang hindi nagbabayad sa nasabing korporasyon.


Dagdag pa nito, may mga pinutulan na rin ng kuryente ang APEC subalit makalipas umano ng ilang oras o araw ay naibabalik ulit ang kuryente kung saan hindi naman nila ito trinabaho o hindi rin empleyado ang nag-ayos nito.

Maaaring umano na ibang grupo ang tumatrabaho upang magkaroon ulit ng supply ng kuryente matapos putulan ng kuryente ang mga hindi nagbabayad.


Napag-alaman din na may mga residente o household ang gumagamit pa rin hanggang sa ngayon pagnanakaw ng kuryente sa APEC.


Tinatayang nasa 25% ang system loss ng nasabing korporasyon kung saan malaki ang pagkalugi nito.
Sinabi ni Garcia, gagawa na rin ng paraan ang mga local chief executives ng isang formula o pagpaplano para sa mabayaran ang bill sa kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *