Application ng bagong MTOP sa Koronadal, posibleng bubuksan sa Pebrero

KORONADAL CITY — SA Pebrero na posibleng simulan ng City Franchising Office ng Koronadal ang pagtanggap ng aplikasyon para sa bagong motorized tricycle operator’s permit o MTOP sa lungsod.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Karen Kleitz-Pacardo, head ng City Franchising Office, kinumpirma nito na isinumite na nila sa Sangguniang Panlungsod o SP ang Implementing Rules and Regulation o IRR ng Ordinance No. 29 Series of 2021 upang ma aprubahan.

Ayon sa opisyal, nasa proseso na umano ang publication ng ordinansa upang maipaalam sa publiko ang pagbubukas ng aplikasyon para sa mga bagong MTOP.

Dagdag ni Pacardo, na sa ngayon, wala pang petsa na itinakda sa pagtanggap ng application, ngunit posibleng masimulan ito sa susunod na buwan.

Kinumperma nito na nasa 3, 174 ang bilang ng mga bagong MTOP na bubuksan sa publiko at dagdag sa kasalukuyang aktibong franchise na umaabot sa 4, 563.

Sa mga gustong mag-appy ng bagong prangkisa, hinihikayat ni Pacardo ang mga ito na basahin at intindihin ang ordinansa dahil madalas, napapaloob umano dito ang mga kasagutan sa mga katanungan ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *